“Ganito ang tamang pagkain ng mais!”, aniya katabi kong si Aldin habang nilalantakan ang mais na hawak niya. In alphabetical order ang arrangement ng mga estudyante kung kaya sa lahat ng subject magkatabi kami. Makulit, madaldal at naglalakihan ang dalawang ngipin sa harap. Hindi ko pa rin maitanong kung bakit may patch ang lahat ng polo/uniporme niya eh wala naman kaming patch sa FBES. Hindi rin siya nawawalan ng towel o lampin sa likod. Minsan kay titser pa siya nagpapapunas ng pawis.
“ganito o.. hindi ka marunong.. parang hindi ka babae.. tignan mo yang mais mo..,” umiiling-iling pang sabi niya habang ngumunguya at nakanguso sa mais mais na hawak ko.
Oo nga, maayos at nasa linya ang pagkakakagat niya sa mga butil ng mais niya. Samantalang sa akin, strike anywhere.. makalat… napayuko ako ng bahagya. Hindi ko magawang magalit kay Aldin dahil totoo naman ang sinabi niya. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Totoo naman ang sinabi niya eh. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng mais na nakaharap sa kaliwa, patalikod kay Aldin. Baka pati pagnguya ko pansinin! Dito na lang ako haharap!...
Mayamaya ay napasigaw ang isa kong kaklase..
“Kulang ang laman ng bilao!,” sigaw ni Hannaniah “hoy! Sinong hindi pa nagbabayad!”, habang binibilang ang nakalatag na barya sa lamesa ni titser. Tagaktak ang pawis na paulit-ulit na binilang ang barya at hinihipan ang kulut-kulot na bangs na nawala sa pagkakaipit sa tainga.
“Tignan natin ang papel! Hindi kaya kulang ang binigay sa canteen?”, nakasibangot na sabi ni Cherry habang inaayos ang pink na headband. Tinutukoy niya ang piraso ng papel na kung saan nakalista ang mga pagkain na inorder sa canteen. Ang mga pagkain ay nakalagay sa isang malaking bilao.
Silang dalawa ni Cherry ang in-charge sa bilao sa araw na ito. Bawat araw, may inaatasan si titser na dalawang estudyante upang umorder at magbenta. Sari-sari, may mga sapin-sapin, mani, minatamis na dilis, nilagang saging o mais at marami pang iba. Mayroon ding sopas na kahit hindi sopas ang inihanda, sopas parin ang tawag (may araw na tsampurado, sopas, miswa na may sardinas at lugaw ang niluluto).
Isang buong kaldero ang dinadala sa classroom. May mga boys na pinakikisuyuan na magbuhat. May kanya-kanya na ring plastic cup (orange sa boys at green naman sa mga girls) at kutsara sa classroom. Siyempre, kanya-kanyang hugas pagkatapos. Para daw hindi na lumabas ng classroom kapag recess at nasa oras ang pagsisimula ng mga aralin. Dati daw kasi may mga estudyante na naglalaro pa kahit tapos na ang recess. Kaya ginawang patakaran sa school na dalhin na lamang ang mga pagkain sa classroom.
Mangiyak-ngiyak si Hannah habang binibilang muli ang napagbentahan. Iiling-iling naman si Cherry sa tabi.
“Kulang tayo ng P3.50! May hindi nagbayad!,” bulalas ni Hannah “kung sino ka man mahiya ka!”
“Ako nagbayad ako ha!”, sambit ni Willand habang inaayos ang kwelyo. Nakaugalian na niyang humawak sa kwelyo kapag nagsasalita. May sumungaw na konting sipon sa ilong sabay singhot at naupo muli sa armchair.
“Ako din ha! Eto pa nga sukli ko o!,” sabat ni Tsope na isa sa pinakamaliit na batang lalaki sa klase.
Nagsalita na rin ang ilan hanggang sa lumikha na ng ingay.
Nakaupo pa rin ako sa upuan ko gaya ng dati. Nananahimik at nag-oobserba sa mga kaklaseng maiingay. Bahala nga kayo diyan! Kapag inabot kayo ni Mrs Sinope na maingay lagot kayo. Naisip ko.
Hanggang sa bumungad nga sa pinto ang kinatatakutang titser..
“What is going on here?!”, sigaw na tanong ni titser
Nakakabinging katahimikan.
“I said, what’s going on here!,” muli niyang sigaw “walang magsasalita?!”
Mayamaya ay biglang tumayo si Ferdie sa kinauupuan at nagsalita,”mam si Ramil sinuntok ako sa likod!”, sumbong niya
“Weh! Sinuntok kita?! Patunayan mo nga?!”, nanlalaki ang mga mata ni Ramil na nakaupo habang nilalaro ang lapis
“Sinuntok mo ako sa likod!”, sagot niya ,”mam sinuntok ako niya ako dito o” na nakaturo sa likod palapit kay titser
Sumabat uli si Ramil at tumayo bigla sa upuan at saka sinabi, “daldal mo! sumbungero!”
Nang may lumipad na eraser sa bunganga ni Ramil….
Natahimik lahat.. Nakakabinging katahimikan. Natuon ang atensiyon ng lahat at ni titser sa dalawa kong kaklaseng mortal na magka-away. Nakalimutan na ang isyu tungkol sa bilao…
Napatingin ako kay Hannah na nakaupo sa isang sulok hawak ang isang plastic na barya. Katabi si Cherry na nagpapaypay.
Mukhang hindi na sila magsusumbong! Tiyak sermon na naman ito! Nasira na naman ang mood ni titser! Mahirap magalit si teacher, lahat ng madampot ibinabato. Kung mamalasin ka, squat ang abot mo buong subject kapag may atraso ka. Ilang buwan na raw ang nakalilipas ng mamatayan siya ng asawa sabi ng kaklase kong si Edna.
“I want you two in front!” utos ni titser kina Ramil at Ferdie
Magsasalita sana muli si Ferdie upang depensahan ang sarili nang may pumigil sa kanya. Kakamot-kamot ng ulo si Ramil na naglakad patungo sa harap malapit sa blackboard. Binigyan sila ni titser ng tig-dalawang libro…
Kasi naman… tsk tsk tsk