Home Economics o H.E. ang pinaka- nakakayamot na subject para sa akin. Bakit? Bukod sa magtahi, magluto, gumawa ng dustpan at project na kailangan mong buuin, kailangan mong magbungkal ng lupa. Required daw, kung di mo papasukan, ibabagsak ka sa subject.. Lagot ka kay Mr. Cayabyab na nuknukan ng istrikto.
"Get your own kalaykay!"- kunin lang daw sa loob ng stockroom malapit sa taniman niya niya ng kamote. Bungkal dito, bungkal doon, pinagagawa kami ng kanya-kanyang taniman. Magtatanim daw kami ng monggo.. Nang may naghagis ng isang malamig na bagay sa likod ko at pumasok pa loob pa ng sando ko! GUMAGALAW! Kung bakit naman kasi ang laki-laki ng blouse na binili sa akin ni mama. Balak pa yatang ipasuot sa akin hanggang high school. Napakaluwag lalo na sa bandang leeg.
Nagtatawanan ang mga klasmeyts kong lalaki sa kabilang pot, yung isa kala mo kinikiliti sa puwet kung makatawa. Yung poging katabi niya, tumatawa din,
Nakakahiya.. "May naghagis sayo ng uod!" Paulit-ulit na sabi ng mga kaklase ko. "May naghagis sayo ng uod!" "May naghagis sayo ng uod!" "May naghagis sayo ng uod!""May naghagis sayo ng uod!" Parang alingawngaw, paulit-ulit.. hanggang sa mawalan ako ng ulirat..