![Picture](/uploads/4/3/9/0/43900263/6439225.jpg?227)
"Pinagsawaan ng taghiyawat" - yan ang naririnig ko madalas na tawag sa titser namin sa P.E. .. Mahaba ang buhok, payat, terorista (terror daw kase) at pinagsawaan ng taghiyawat ang mukha. Yun na yun.
Upang makatipid ang mga magulang sa gastusin, ang mga lumang palda uniform na pinaglakihan, iyon ang ipinapatahing shorts na pang P.E. daw na may garter dapat sa may bandang ilalim. "Bloomers" daw ang tawag, hindi ko alam kung bakit.
"Okay class, let's do some warm-ups!" "One! Two! Three! ...One! Two! Three!..."
Ikutin daw ang ulo.. tapos bewang.. tapos braso.. tapos tatalon... yuyuko at aabutin ang mga paa... ang finale .. hihiga sa semento (sa gitna pa ng field sa kung saan kami nagfla-flag ceremony at nagfi-field day)... itataas ang mga braso.. saka itataas ang ulo.. saka itataas ang binti... "One! Two! Three!... One! Two! Three!..."
Naririnig ko nagbubungisngisan ang mga kaklase kong lalaki sa may bandang likuran. At ang katabi ko sa pila sa pagkakahiga sa semento na si Jemellee, nagkakanda-haba ang leeg sa kalilingon.. Sabay iirap, pero may konting ngiti sa labi..
Hindi pa nakuntento si titser, dumapa daw saka abutin ang mga binti at magbilang hanggang sampu. Hindi kami makareklamo. Nangungurot daw kase yun.
Nagbubungisngisan na naman ang mga kaklase ko sa likod. Sabay may sumigaw ng "ARAY!".. mukhang may nakurot. Ayan kasi...
"Okay, we're done! Let's do some rod exercise!", warm-ups palang pala iyon. "Titser! Ano po iyong ROD?!", tanong ng kaklase kong si Ramil.. "BARAS iho.. okay pumila kayo according to your last name, separate lines ang boys and girls!"
Isa-isang pinaabot ang baras na lagpas tao ang taas. Saka magbibilang hanggang sampu habang nasa ilalim ng baba ang mahabang bakal. Dito daw nakasalalay ang score sa quiz. Kapag umabot ka sa sampu, perfect ang score mo. Kapag hindi kinaya, zero. Buti na lamang nagsisimula sa "V" ang apelyido ko.... mamaya pa ako.. panghuli sa hanay ng mga babae.
"Ms Velasquez! Hindi mo ba kaya tumalon?!", tanong ni titser... "kaya po.", mahina kong tugon. "Boys tulungan nga si Ms Velasquez na abutin ang baras!" sabay mabilis na buhat sa akin ng dalawa o tatlo kong kaklase.
"One...! two!.. three!.." tagaktak pawis ko.. para akong hihimatayin.. "four! five!".. nagbubulungan ang mga kaklase ko.. babae.. lalaki ewan.. hindi ako makapagconcentrate.. "six! seven!".. may tumawa na naman.. hindi ko alam kung bakit.."eight! nine!".. at nang biglang kumindat sa hanay ng mga boys.. BLAG!
Nakabitaw ako bigla sa baras.. "Ms Velasquez! Your score is 9 out of 10!" , pasado pa rin naman.. kahit papano..
"Class, all got perfect score except for Velasquez and Panol! Well done!" eh 45 lahat kami sa klase...
Okay lang.. pasado pa rin naman. Hindi ko lang matandaan kung sino ang kumindat at bakit. Nang dahil kaya sa bloomers?