“Chiri Rus! Pssstttt! Chiri Rus! Pssstttt”, sigaw ng nanay ko na nakasilip pa sa bintana. “Po!! Ayan na!”, sagot ko habang nagtatakbo patungo sa bahay.
Kung hindi "Chir Rus", "Ga" ang tawag ng nanay ko sa akin. Ang "Ga" ay pinaikling salita ng Bisaya na "palangga" na ang ibig ay "mahal".
“Kunin mo na ang mga sinampay!” utos niya… "hapon na.. " Ang pagkuha ng sinampay ay isa lamang sa mga itinalaga sa akin na gawaing-bahay. Isa sa mga nakakapagod na gawain para sa akin dahil kasama dito ang pagtutupi sa sangkaterbang damit! Damit nina nanay, tatay at sa aming walong magkakapatid. Ang isa sa mga kapatid ko ay sanggol na maya't- maya ay pinapalitan ng lampin.
“Mamaya na ma, maglalaro muna kami…” sabay karipas ng takbo pabalik sa multi-purpose hall na nasa tapat lamang ng gusali na katabi naman ng gusaling tinitirhan namin.
Magkakahilera ang tatlong gusali o apartment (kasama na ang tinitirhan namin) at nakabukod naman ang isa pa na nakaharap sa pangatlong gusali. Bawat gusali ay may sampung pintuan para sa bawat sampung pamilya. Mayroon din “quadruplex” nakatayo kahilera ng multi-purpose hall at katapat ng gusali namin. Napapagitnaan ng mga gusali ang isang mahabang kalsada na kung saan kami naglalaro ng patintero. May mga grupo din ng mga bata na naglalaro ng piko at holen.
Pagkalipas ng ilang oras…
“Chiri Russsssss!! Psssttt! Psssttt!!” sigaw ni mama na tila galit na galit.
“Joooyyyy! Joooyyy!”, sigaw naman ng nanay ng kalaro kong si Joy. Patay na naman kami!
"Ana-ma! Mabungog-bungog karon na!!", bungad ng nanay ko na naglalabasan ang mga ugat sa leeg dahil sa galit.. "kanina pa ako sigaw ng sigaw mura kag bungol!", pagpapatuloy pa niya.. hindi ko maintindihan ang mga sunod pang sinabi niya basta hindi ko makakalimutan ang pingot niyang yun dahil may kasama pang kuko.
"aray ko pu!..", nasambit ko habang namimilipit sa sakit. Dali-dali akong nagpunta sa likod ng bahay upang makiramdam sa kalaro na kasalukuyan rin pinapagalitan ng nanay niya. Lumabas siya ng likod- bahay nila pagkalipas ng ilang segundo na sambakol ang mukha.
"Pinagalitan ka rin?", tanong ko
"Haayy .. ano pa nga ba.. ang dilim na grabe", tugon niya na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa paligid.
"Oo nga, may nakakita nga daw ng kapre noong isang araw.." pautal-utal na mahinang sagot ko.
"Tumigil ka nga diyan! Lalo tayong matatakot niyan eh!.. Ano, sabay tayo ha.. gaya ng dati, " ani Joy na nakadukwang sa hallow blocks na nagsisilbing harang sa extension ng bahay nila at bahay namin. Bawat pinto ng apartment ay may kanya-kanyang extension na tinatawag na kung saan maaring maglaba (ang iba ginagawang kusina at iba pa).
“bibilang ako ng sampu sabay tayong umakyat at kumuha ng sinampay ha!...” pagpapatuloy ni Joy
“Okay sige..", sagot ko
Bago makarating sa sampayan, aakyat ka pa ng anim na baitang dahil ilang pulgada ang taas ng lupa. May ginawang maliit na lutuan ang tatay ko na may sariling bubong sa may bandang kanan. Ginagamit namin ito kapag halimbawa walang ga-as. May malaking puno ng aratilis sa kaliwang bahagi ng hagdan. Ang hagdan ay inukit lamang at nilagyan ng mga bato di gaya ng mga hagdan ng ilang bahay na gawa sa semento. At sa di kalayuan, ang sampayan na sa sobrang haba hindi mo na matanaw ang dulo. Bawat dulo ng sinampay ay nakasabit sa puno ng aratilis. Mayroon ding mahabang kawayan na nagsisilbing pangtaas kapag nakalaylay na ang mga sinampay.
Sobrang dilim! Kung bakit naman kasi walang makaisip na lagyang ng poste ng ilaw sa likod! Sari-saring puno at halaman ang makikita sa likod-bahay. Huni ng mga ibon, kuliglig at sari-saring kulisap ang maririnig. MARIIT ang tawag na mga matatanda.
Sa umaga, dito kami minsan naglalaro ng luksong- baka, 10/20, luksong- tinik at spirit of the glass. At nagsisilbing tambayan ang mga puno ng aratilis kapag hitik na hitik na sa bunga.
Nakakatakot isipin na sa may bandang itaas na bahagi na lupa na kinatatayuan ng tirahan namin ay ang LIBINGAN ng mga BAYANI.
“One! Two! Three!” karipas kami ng takbo ni Joy patungo sa mga sampayan at kaniya-kanyang kuha ng mga damit. Pagkakuha ng ilang piraso, dali-dali rin kaming bumalik sa kani-kaniyang bahay…
“Ilan ang nakuha mo?”, hinihingal pa na tanong ni Joy .. "akin 6.."
Binilang ko ang mga nakuha ko sa sampayan at umabot ako sa pito (kasama ang panty ni mama), “akin 7"..
“One! Two! Three!” karipas uli kami ng takbo ni Joy na halos sabay pati sa pagkuha ng mga sinampay dahil takot mapag-isa na dilim. Pagkatapos ng ilang balik….
AWOOOOOOHHH! ungol ng aso. AWOOOOOOOOHHH… (katahimikan)
KOKAK! KOKAK! KOKAAAAKK! sigaw ng palaka
Napako kami ni Joy sa aming kinatatayuan. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Parehong nanginginig nang dahil sa takot. Mabuti na lamang at nasa pintuan na kami! Walang sabi-sabi, dali-dali kaming nagsipasok sa kani-kaniyang bahay at nag-lock ng pinto. KABLAG!
“Nakuha mo ba lahat?”, tanong ni mama habang karga at pinapatulog ang nakababata kong kapatid “opo”, tugon ko at dali-daling umakyat sa kuwarto upang dalhin ang mga nakuhang damit. MAYROON PA YATA AKONG NAIWAN! LAGOT AKO NITO BUKAS!
Takot pala sa palaka si Joy! Hahaha oo nga... napangiti ako habang nagtutupi...