![Picture](/uploads/4/3/9/0/43900263/2104039_orig.jpg)
Sabi ni teacher, bawal daw ma-late. Buti na lang maaga nagsusundo si Mang Charlie. Unang grupo kaming mga mag-aaral sa MABABANG PAARALAN NG KUTA BONIFACIO na sinusundo niya sa umaga. Susunod ang SAINT MARY’S at panghuli naman ang mga taga-DON BOSCO. Alas-tres pasado pa lang ng madaling-araw ginigising na ako ni mama. Pahirapan naman ang paggising sa kapatid ko na minsan naaabutan kong natutulog sa banyo habang nananalangin. Noong una, akala nga namin kung napaano na - nakaupo sa toilet bowl at may hawak pang tabo na tila baga walang malay.
Ang ginagawa ni mama sa umaga, nagluluto muna siya ng almusal at kapag kami'y nakagayak na, aakyat na siya sa kuwarto upang matulog muli. Aantayin na lang namin ng kapatid ko si Mang Charlie hanggang alas-kuwatro pasado na dumating.
BEEP! BEEP! busina ng FB na blue na nakaparada na sa tapat ng bahay. Dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa service. Naupo ako sa paborito kong lugar malapit sa pintuan.
"Ms Velasquez asan na kapatid mo? Papasok ba?", "opo" sagot ko.. "Asan na?" "Ayan na po palabas na.." Dahan-dahang naglakad patungo sa service ang kapatid kong si Julius. Dahan-dahan din siyang sumakay sa service at naupo naman sa tabi ko. Ang kawawa kong payat na kapatid, pupungas-pungas pa.. konting-konti na lang, para na siyang saranggola sa sobrang kapayatan. Paano naman kasi, kahit sa almusal, natutulog.
Kanya-kanyang eksena sa service, may nangungulangot, may mukhang hindi naligo - may natuyong laway pa sa magkabilang sulok ng bibig, mayroon naman may uhog pa na kulay berde na tila nagpapaligsahan sa magkabilang butas ng ilong, may nagdadaldalan, may nagwre-wresling.. “DEMOLITION!”, ani Leklek na lahat yata ng mga kapiranggot na batang lalaki, bukod sa kaltok ang inaabot sa kanya, niwre-wresling pa. BUG! Kalabugan sa loob ng service. May nag-aaway at siyempre may natutulog.
"HOY! Hindi ba kayo titigil!", saway ni Mang Charlie... tahimik ang lahat at saka bungisngisan ng palihim. At mauulit uli ang kaguluhan pagkatapos lamang ng ilang minuto. Minsan, sa sobrang inis ni Mang Charlie, ihinihinto niya ang service para lang manaway at manermon. Nawawala lang ang yamot niya kapag may babaeng maganda at seksi na nakikita. Kadalasan, hinihintuan niya upang pasakayin at kadalasan sa Bayani Road. Kung kaya malas ang nakaupo sa harap dahil kinakailangan niyang lumipat sa likod sa may bangko na nakapuwesto sa gitna ng saksakyan.
Pagdating sa paaralan, dali-dali akong bumaba sa service at nagtungo sa gusali namin. Nakakatakot maglakad sa hallway dahil baka may makasalubong ka na “white lady”. Sabi ng ibang kaklase ko, may nagpapakita daw sa gusali namin. Nakakapangilabot isipin! Pagpasok ko ng classroom, bigla kong nahagip ng tingin ang dalawa kong kaklase sa may tambakan ng walis at lampaso na magkadikit ang bibig. Mabilis akong naupo sa armchair sa may bandang likuran at nagkunwaring walang nakita. Hindi naman nila siguro ako nakita….
NAKAKADIRI! Yaaaakkk! Laway-to-laway!.... inilabas ko ang aking pad paper at nagdrawing ng kung anu-ano upang malibang.. hanggang sa dumating si Claire na parating nakangiti (kahit galit), sumunod si Ariel laki (dalawa silang Ariel sa klase, sina LAKI at LIIT), si Aldin na hindi nawawalan ng lampin sa likod (kulang na lang bote ng gatas)- at may kakaiba pang patch sa uniporme. Hanggang sa makumpleto ang buong klase….
“Okay class! Get ¼ sheet of paper!” , surprise quiz na naman ni Mr Reototar!
Nangangarag ang lahat sa kakahingi ng ¼ sheet of paper sa katabi at sa pagsagot sa mga katanungan na sobrang bilis! Nasa pangatlong tanong na siya, isinusulat ko pa rin pangalan ko! Kung bakit naman kasi napakahaba! Gaya ng dati, iilan lang ang nakasagot ng tama. Halos lahat zero, kasama ang dalawa kong kaklaseng naghalikan kanina sa tambakan. Kasama na din ako… na pangalan, grade at section lamang ang nailagay sa papel.
Sa susunod ire-ready ko na ang pangalan ko sa ¼!